Ang kultura ang pinaka yaman at puso ng lahat ng bansa na masasabing unique. Dahil sa kakaibang kaugalian na naipapamalas ng isang partikular na lugar tulad Pilipinas. Ngunit gaano nga ba kayaman ang kultura nating mga mga Pinoy?
…..
Siyam (9) Kaugaliang PINOY:
Ito ang isa sa mga kaugaliang Pilipino na aking napansin, ang pagiging bukas sa pagtanggap ng bisita o hindi kaano-ano nating mga pinoy. Ang kaugaliang ito ay masasabi kong natatangi dahil sa tayo lamang ang nakakagawa nito kumpara sa ibang kulturang banyaga, kung saan ay kinamamanghaan ito ng mga dayuhan.
Isang kaugaliang madalas ipang-larawan sa ating mga pinoy dahil sa kinakikitaan tayo ng mga dayuhan ng pag ngiti sa kabila ng mga sakuna o problema. Halimbawa na lang ng larawan sa taas kahit may baha basta pinoy di uurong talagang susuong.
Ang kaugaliang ito ang siguradong makaka-relate ang lahat, sapagkat lahat tayo ay nakaranas na nito. Paano? Halimbawa sa pakikipag-kaibigan at pakikitira sa kamag-anak o kakilala. Hindi natin maitatanggi na ang ugaling ito ay dapat gawin sa ngalan ng pagkakaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba.
Ang pamamanghikan o panliligaw ang isa sa napakagandang kultura sa ating kasaysayan kung saan ang babae at lalaki ay makasundong magpakasal. Kung mababalikan lang natin ang panahon ng ating mga lolo’t lola, siguradong ito ang isa sa mga pinakaromantikong paghingi ng kamay ng babae ng lalaki sa harap ng sa harap ng kanilang mga magulang at iba pang malalapit na kaanak o kaibigan. Pagkatapos nito ay may salo-salo at sa hapag ay pinag-uusapan ang detalye ng kasal. Sa modernong panahon ngayon, kahit marami na ang nagbago. Ang pamamanhikan ay nananatili pa ring kaugalian nating mga Pilipino.
Isa sa pinaka matandang kaugalian nating mga pinoy na hanggang ngayon ay binibigyang buhay pa rin ng mga bata o mga kabataan sa atin. Ang ugaling ito ay nagpapakita ng paggalang sa mas nakakatanda o pag respeto, kung saan ito ay ang pagkilala sa mas nakatatanda mapa “Tito, Tita, Lolo, Lola at mga Magulang.”
Isa pa sa mga kaugalian nating mga Pilipino ang pagmamano na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala lumipas man ang maraming taon. Ang pagmamano ay isa ring pagpapakita ng paggalang, kung saan ay hinihingi ang kamay ng mas nakatatanda at ilalapat ito sa noo ng nagmamano sabay sabing “mano po.” Ang ganitong gawi ng pagrespeto ay madalas isinasagawa bilang pagbati sa pagdating o pag-alis ng tao na siyang itinuro sa atin mula pagkabata.
Ito ang kadalasang masasabi mo at ko sa mas nakatatanda nating mga kapatid ang “Ate” at “Kuya” . Ang pagtawag ng ate sa babae at kuya sa lalaki ay indikasyon lamang na nagpapakita tayo ng pagrespeto sa ating mga nakakatandang kapatid, kumpara sa mga bansa na pangalan lang itinatawag.
Ang mga Pilipino ay mapahiin sa kahit na anong bagay sa kasal, bahay, binyag, pusa, engkanto, duwende, pagligo sa gabi at iba pa. Ang mga pamahiing ito ay nanggaling pa sa mga matatanda at nagsimula sa ating mga kanunu-nunuan na madalas ay walang batayan at hindi maipaliwanag kung bakit ito kinakailangang sundin.
Ang bayanihan ang isa sa pinaka tanyag na kaugalian nating mga Pilipino na talagang maipagmamalaki natin. Dahil sa sama-sama ang taumbayan na nagtutulungan sa mga nangangailangan. Tulad na lang kapag may mga sakuna nandiyan lagi ang mga taumbayan para makipagtulungan umaraw man o bumagyo.
Kapistahan ang isa sa mga tradisyong laganap sa ating bansa na pagdiriwang ang mga mahahalagang okasyon na ginaganap taon-taon. Kung saan maraming mga tao ang nagtitipon tipon upang masaksikan ang isang paradang napaka-makakulay at buhay na buhay na sumasabay sa saliw ng mga tugtog. Ang kapistahan sa ating bansa ay may ibat-ibang uri ng pagdiriwang tulad ng kilala nating Panagbenga festival, kung saan ipinagmamalaki sa Baguio ang mga magagandang bulaklak at Sinulog- Santo Niño festival sa Cebu City.
…..
Ang mga kaugaliang nabanggit ay isa sa mga bahagi ng ating kultura na tunay na maipagmamalaki saang dako man ng mundo. Dahil ang ating sariling kultura ay natatangi sa lahat at nakilala dahil sa angking ganda nito. Masasabi kong ang ating kultura ay natural na nakaaakit ng dayuhan na siyang patunay na ang ‘’ Kulturang Pinoy” ay kakaiba sa lahat. Masarap isiping ang mga dayuhang hindi natin kalahi ay minamahal ang kulturang ating kinagisnan. Kayat sana mahalin rin natin ang sariling atin na may tatak Pilipino.
Yaman at Puso ng Pinas
Ang kultura ang yaman at puso ng pinas dahil sa pagbibigay pagkakakilanlan at kulay nito na sumisimbolo ng pagka- Pilipino. Isang maipagmamalaki talaga ang kultura nating mga Pinoy dahil sa mga natatanging kaugalian na siyang masasabi nating sariling atin.
Bakit nga ba mahalaga ang kultura?
Ang salitang ’’KULTURA’’ ayon kay Chavez Lawrence (2019), ay napakahalaga sapagkat ito’y sumasalamin sa mga paniniwala, kaugalian at mga nakasanayang gawain ng mga tao sa isang lugar o bansa. Ang kultura ay nagmula sa ating mga ninuno na siyang nagpalaganap at nagkalat nito hanggang sa pagkapasa-pasa sa bawat henerasyon. Ang kultura ay isang patunay na may pinagmulan tayo sa mga bagay at gawaing nakasanayan natin. Ngunit sa pagtagal ng panahon , ang ilan sa mga katutubong kultura natin ay unti-unting naglalaho at napapalitan dahilan sa mga pag-usbong ng mga makabagong kaisipan o pagbabago tulad ng modernisasyon , teknolohiya at paniniwala ng mga tao.
Ang ilan sa mga dahilan ng pagbabago at unti-unting paglalaho ng mga nakasanayan o nakaugaliang gawain nating mga Pinoy ay ang impluwensiya ng iba pang mga bansa tulad ng Korea. Pagkamulat ng mga tao sa makabagong teknolohiya dahilan upang magbago ang pag-uugali ng tao, lalo na ang mga batang musmos, at ang pagigiging moderno ng ating panahon . Nakakalungkot mang isipin ngunit hindi ito matatakasan dahil parte tayo ng tinatawag na globalisasyon. Kayat sana tayong mga Pilipino ay pagtulungan nating pagyabungin muli at palaganapin ang ating natatanging kultura dahil ito ang YAMAN at PUSO ng Pilipinas.