Sa modernong panahon ngayon ang paglaganap ng teknolohiya ay sya namang paglitaw ng iba’t-ibang uri social media tulad ng facebook, twitter, instagram, snapchat, whatsapp, at iba pa. Kaya kahit mapa-bata, matanda, o kahit mga kabatan ay gumagamit sa makabagong panahon ngayon ng social media. Pero, ano nga ba ang social media at ano ang positibo at negatibong naidudulat nito sa tao? At paano nga ba gamitin sa responsableng paraan ito?
Hindi maikakala na ang social media ay parte na ng pang- araw-araw na pamumuhay ng tao.
Dahil ayon pakahulugan nito, ang “Social Media” ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit. Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit.
Ayon naman kay Reamjohn (2017) ang social media ay online na komuniksyon channel na nakatuon sa input ng komunidad, pakikipag-ugnayan, pagbabahagi ng nilalaman at pakikipagtulungan at ayon kay Karl Adunza (2017) ang social media ay isang uri ng daluyan ng impormasyon, at kabilang ito sa iba pang medium ng impormasyon gaya ng telebisyon, radio, pahayagan, at iba pang kadalasang pinagdadaluyan ng mahahalagang impormasyon.
Sa dami ng pagbibigay kahulugan sa social media nakikita natin ang dahilan, bakit ito naging parte ng pamumuhay ng tao at dahilan kaya ito lumaganap. Tulad na lamang ng paggamit ng mga social media platforms gaya ng facebook, twitter, omegle at instagram na sya namang kinagigiliwan ngayon ng mga netizens. Dahil maaaring mag-post, mag-share ng photos and videos at makipag-usap virtual bilang libangan. Sa panahon ng pandemic buhat ng Covid-19 ang social media ay nagkaroon rin ng mabuting dulot sa mga mag-aaral. Tulad ng mapabilis ang paggawa ng pampaaralang gawain gaya ng assignment, project at iba pa na sya namang kasalukuyan ginagawa ng mga mag-aaral.
Sa isang survey noong 2020 buwan ng Enero umabot sa 3.80 billion ang social media users worldwide na indikasyon lamang na may humigit na 5.19 bilyong tao ang gumagamit mobile phones na inaasahang tataas pa ang bilang nito ngayong taon. Ngunit ang social media ay hindi lamang nagtatapos sa pagbibigay tulong nito sa tao para mapagaan ang pamumuhay sa pang komunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon at interaksyon. Dahil sa paglipas ng panahon ang mabuting dulot nito ay unti-unting napapalitan ng masasamang dulot dahil sa maling paggamit nito, at habang dumadami ang mga social media users . Dumadami rin ang ibat-ibang klase ng kriminalidad, pagkalat ng mga fake news at iba pa. Kaya tayo bilang isang social media user dapat alam natin ang ating mga limitasyon tungkol dito. Kagaya ng madalas napag popost natin sa ating facebook, twitter, instagram na maaaring ipanakot o gamtin sa panloloko ng iba. Kaya bilang pag-iingat maging matalino tayo sa pagpili ng ipopost at sa mga kakaibiganin sa social media. Dahil bilang isang user dapat taglayanin natin ang matalinong paggamit ng social media bilang pag-iingat.
Sa HENERASYON ngayon ang paggamit ng social media ay masasabing hindi na ligtas para sa lahat. Kaya’t bilang isang paalala, para sa lahat laging tatandaan na huwag maglalabas ng maseselang impormasyon tulad ng lokasyon at iba pang mga personal na datos sa publiko. Sa paggamit ng social media mahalaga ring tandaan ang pag-dodouble check ng settings ng ating account para masigurong hindi automatic na nai-seshare ang ating mga detalye.
Hindi rin natin maikakaila na ang lawak at dami ng naaabot ng social media ay nakaka-impluwensiya sa lipunan at ang isa sa patunay ng impluwensiya nito ay ang papel nito sa pagpapadaloy ng impormasyon at balita sa panahon natin ngayon. Tulad ng pagkakalat ng balita o mga anunsyo ng ating lokal na pamahalaan gamit ang social media na naging daan din sa pagpapalaganap ng mga balita o impormasyong walang malinaw o matibay na batayan na tinagurian nating “fake news”, o mga balitang gawa-gawa lamang na ipinakakalat sa internet. Kaya’t upang maiwasang mabiktima ng ganitong uri ng balita. Ang pagiging responsable sa paggamit ng social media ay hindi lamang umiikot sa konsepto ng “Think before you click”, kung hindi sa tamang pagsusuri rin ng mga impormasyon/balita kung ito ay legit o may katotohanan. Dahil nakakkalungkot isiping sa panahon ngayon kahit ang mga nabibiktima ng fake news ay nagpapakalat din intensyon man nila o hindi.
Sa bawat pagbabagong nangyayari sa social media sa paglipas ng mga panahon tayong mga user nito ay nagbabago rin ang paraan ng paggamit na humahantong sa pang-aabuso paggamit nito. Sa madaling salita habang tumatagal ang social media ay ginagamit na rin sa papaninira at pambubully ng ibang tao na nagiging resulta ng mga nag-aaway, nadedepress, naaaksidente at higit sa lahat nagpapakamatay. Ang ganitong uri ng pangyayari ay kadalasang nangyayari sa paaralan, trabaho, at magingsa loob ng politika, ngunit maiiwasan naman ito. Kung ikaw ay isang biktima ng paninira dahil sa alitan ang responsableng paggamit ng social media ay para rin sa iyo. Para makamit ito lagi mong tandaan na ang social media ay hindi ginagamit sa pagpaparinigan at pagpopost ng ikakasira ng iba, kaya’t ikaw bilang gumgamit nito ay hayaan mo lang ang taong naninira sayo online. Dahil maaari mo siyang kasuhan at kung magkademandahan man ay may laban ka sa malinis na paraan.
Ang reponsableng paggamit ng social media ay hindi lamang sa kung dapat mong gawing aksyon bilang obligasyon para masabing ikaw ay naging responsable sa paggamit, kung hindi sa paggiging matalino rin sa paggamit nito. Sa pag laganap ng social media sa sistema ng pamumuhay ng tao hindi natin masasabing ang social media ang lumalason sa pag-iisip ng tao, kundi ang tao ang lumalason sa kanyang sarili dahil sa hindi pagiging disiplinado sa paggamit nito . Laging tatandaan na ang disiplina ay nag-uumpisa sa ating mga tao. Tayo ang tao, hindi tayo ang alipin, tayo ang dapat na komontrol sa social media. Kaya’t huwag nating hintayin na ang panahon ng social media ang syang mamuno sa sistema ng ating pamumuhay.